NA-T-Bird Ako Sa Ating Sining!

Una sa lahat, pinapasalamatan ko ang aking propesor na si sir Orly Agawin na siyang naglapit at nagbigay dahilan sa akin para isapuso ang mga likha’t natatanging talento ng Pilipino sa larangan ng literatura, at sining.

Kangina, naghahanap ako ng pwede kong featured image sa blog na ‘to.
All pinoy artists
Pinoy Pride
Pinoy Classic Films
Filipino Artists
Animated Filipino Artists
Pinoy Artists
Vilma and Nora
T-Bird at Ako

Naisip ko, imbes na magpakapagod ako magcollage ng sandamakmak na “grabbed” photos ng mga Pinoy artists, at posters ng mga sinaunang pelikula eh, bakit di na lang ito? ANG FAVORITE MOVIE KO…way back…years ago.

Paano ako nabago ng Philippine Arts?
Na- T-Bird Ako.
Na- T-Bird Ako dahil dumating sa punto ng buhay ko na habang nagdidiscuss si sir Orly tungkol sa mga napakagagandang establishments noon sa Manila na pinalitan na ngayon ng halos puro SM malls, o fast food chain,— gusto kong mag Walling! (verb. pagpapakita ng panghihinayang, pagluluksa o pagsusumamo sa pamamagitan ng dahan-dahang pag slide ng iyong likod sa pader; kasabay ang isang kamay na nakataas para mas ramdam ang pighati.).

BAKIT GANUN? Hindi ba uso magpreserve?
Pagkatapos nun, kapag binibisita ko ang nobyo ko sa Binan, at makikita ko ang orihinal na bahay ng ina ng ating pambansang bayani; si Teodora Alonzo — na unting unting binabaklas, sa loob ko, eng serep serep megwele! yung tipong mag walling ka mismo sa sentro ng bayan para makita nilang lahat kung ano yung mawawala… kung ano yung mapipilas sa kasaysayan ng ating bansa.
Pero sabi nila sakin, ililipat lang daw yun para itayo ulit. – May bumili na kasi sa lupa (hindi ako sigurado), o pati yung mismong bahay ay binili na.

Kakaiba na ang Bayanihan ngayon. Dati nagtutulong-tulong ang mga kalalakihan sa isang barrio para mailipat ang isang bahay-kubo from one place to another. Ngayon, siyempre, kaya ba nila buhatin yon? Edi BAKLASIN! Pero iniisip ko pa lang, nakakapanghinayang na talaga.

Pangalawa, Na-T-Bird ako, dahil dumating din sa punto ng buhay ko na hiniling ko sa sarili ko na sana, isa din akong willing makipagsabunutan kapag sinabing pangit umarte si Nora…o si Vilma.
Ang saya-saya siguro ng kapanahunan nila mama. Naalala ko, ang nanay ko ay isang Vilmanian, at ang kapatid niya ay isang Noranian. Nabanggit noon sa akin ng nanay ko na halos dalhin na nila sa korte ang diskusyon kapag tatanungin sila:

Sinong mas magaling, si Nora Aunor? O si Vilma 

images

Pati ako tuloy napaisip. Sino nga ba?
Pakiramdam ko tuloy, para lang itong teorya ni Charles Darwin na hanggang ngayon ay hindi parin mahanap ang isang link ng specimen na nagpapatunay na ang tao ay nag evolve mula sa apes…o…unggoy.

Naging paborito ko na ‘tong pelikula na ‘to. Matapos ko siya mapanood sa Media Center ay hinanap ko siya sa Youtube, inabangang ipalabas muli sa Cinema One at pinanood muli…paulit ulit hanggang sa pinangarap ko nang makipagsagutan sa tao na kagaya ni Nora at ni Vilma. Hindi pa ako kinilabutan (bukod sa paghimas ni Nora sa balikat ni Vilma) sa isang pelikula — until mapanood ko ito. Hindi ko malilimutan…doon na nagsimula ang pagbabago ko (hindi literal, salamat!).
Isa pa…

Na- T-Bird ako sa hindi lamang sa husay ng dalawang aktres, pati na rin ng mga batikang alagad ng sining. Para sa akin ay walang papantay sa mga legend hindi dahil sa sikat sila noon, o may iniwan silang marka sa kasaysayan ng sining, — dahil na rin yun sa sobrang panghihinayang ko sa henerasyon ko ngayon at ng magiging anak ko.

Pasintabi sa mga Kath-Niel, Chicser, at ibp.

(Opinyon ko lang..) Nanghihinayang ako kasi NOON, ang mga aktor at aktres, lumuha na ng dugo, hindi parin best actor o best actress. NGAYON, basta pogi, PAK!
NOON, ang mga mang aawit sa teatro at mga nahasa ni Ryan Cayabyab ang hari’t reyna ng entablado – sila lang ang nabibigyan ng pribilehiyong umawit — mga kundimang ULTIMATE HUGOT na magpapasenti ng tanghaling tapat. NGAYON, basta sikat, kahit kota na sa piyok, PAK! Namumuhay na tayo sa Parallel Universe, ika nga. Ang mga sintunado, may album AT NAKAPLATINUM PA!Ang parehas kaliwa ang mga paa, miyembro na ng dance crew. BASTA POGI o MAGANDA, SALANG! Kahit silihan mo na ang mata, di parin makaiyak..basta sikat, PAK! Isa pa, ang mga kahulugan noon ng mga kundiman ay tungkol sa pagmamahal, o pagkabigo ng isang pusong nagmahal. Ngayon, baduy na ang kundiman — kasabay ng pagkalimot sa tamis ng harana. Ang mga liriko sa mga kanta na nakagisnan natin ngayon ay tungkol sa lalaking pumasok sa club, nakakita ng babaeng sumasayaw, mapang akit na siyang gusto niyang iuwi at maka iskor. Malaki ang pagkakaiba, hindi ba? Mula sa maginoo– hanggang sa mejo bastos.

Ito lang yung isa sa maraming transpormasyon na dinulot sakin ng Philippine Arts. — NATUTO AKONG masaktan, manghinayang, at humiling na sana ang mga tao ngayon ay kagaya parin noon na pinapahalagahan ang konsepto ng musika, o ng pelikula. NATUTO AKONG mamangha sa pagmamahal ng mga pinoy noon sa musika, sa sarili nating pelikula, at iba pang likha ng mga alagad ng sining. Ramdam na ramdam ko kung papaano yun napahalagahan at kung papaano din iyon unti-unting napabayaan *walling
Ito ang transpormasyon sa akin… Na T-Bird ako nang sobra, na halos hiniling ko na sana sa kapanahunan na lang ako ni mama ipinanganak. Para nahawahan din ako … at nakahawa din ako ng pagmamahal sa sarili nating likha at sining.

Bago ko makalimutan…isang pasada lang, boss. Ano naman ang transpormasyong dinulot ng Creative Writing sa akin? Basahin lang ito nang paulit ulit, makikita hindi lang kung gaano ako ka trying hard magpaka-makata, pero kung gaano ko din napalaya ang sarili ko sa pamamagitan lang ng pagsulat. Kung papaano ako nanghinayang, nasaktan, nanabik at nasuklam. Totoo nga daw na makapangyarihan ang karunungan at pagsulat, pwede tayong mabago o makapag bago ng isang bagay o perspective sa mga bagay-bagay na nangyayari. Ang bawat salita ay may katumbas na damdamin at kaisipan na pwedeng makasira o makabuo ng pananaw, damdamin (ulit) sa paraan man ng pagsasalita o pagsulat.

Saglit, ipapakita ko lang ang isa sa mga pinakanakakalokang litrato ni Nora Aunor, at Vilma Santos noong kabataan nila. Ang Au Naturel ngayon ay may “no makeup makeup” na kasama, ito ang magpapatunay na walang binatbat ang ganda ng mga aktres ngayon. Ito ang tunay na AU NATUREL, echosera!

4019760

4936114_orig

References:

T-bird at Ako Poster retrieved from:
http://www.superstarnoraaunor.com/tbirdatako.html

Vilma Santos and Nora Aunor Poster
http://www.spot.ph/entertainment/50972/the-ultimate-nora-aunor-vs-vilma-santos-smackdown-10-rounds-with-two-icons

Young Nora Aunor
http://noranianbook.weebly.com/uploads/1/0/4/4/1044928/4019760.jpg?503×653

Young Vilma Santos
http://retokado.weebly.com/vilma-santos.html